Advisory sa paid isolation at quarantine benefits sa mga empleyado na may COVID-19, ilalabas

Advisory sa paid isolation at quarantine benefits sa mga empleyado na may COVID-19, ilalabas

NAKATAKDANG maglabas ng advisory ang Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa paid isolation at quarantine leave benefits para sa mga empleyado nai-isolate dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nilinaw ng DOLE na hindi pa batas o mandatory ang ilalabas na advisory kaugnay sa pagbibigay ng paid quarantine o isolation leave sa mga manggagawa na nagpopositibo ng COVID -19.

Paliwanag  ng ahensiya,ang pagkakaroon ng paid leave at undergoing isolation or quarantine ng isang empleyado ay nakabase sa polisiya ng kumpanya o mga collective bargain agreements na pinapatupad ng mga kumpanya.

Matatandaan nagpahayag ng suporta si Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod sa mungkahi ng  labor organization partikular na  ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP)  na bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga manggagawa na sumasailalim ng isolation at quarantine.

Dahil alinsunod sa DOLE guidelines, kapag ang isang empleyado ay na-exposed sa isang taong nag-positive ay kailangan mag-isolate at mag-quarantine.

Pero giit ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez, ang pangako ng DOLE ay isang labor advisory para linawin ang mga patakaran  ng pagbabayad ng isolation at quarantine leave.

Kailangan pa rin kasi ng sapat na legal na basehan.

Ayon pa kay Benavidez may mga katumbas naman na binibigay na benefits ang SSS at ECC para sa mga empleyado na kailangan talagang sumailalaim sa quarantine dahil sa COVID-19.

Sa ilalim ng programa ng mga benepisyo sa kompensasyon ng mga empleyado ng Employees Compensation Commission (ECC), ang empleyado na nagbabayad o mga miyembro ng Social Security System na naospital at naka-confine para sa COVID-19 ay babayaran sa kabuuan ng kanilang pagkakakulong sa ospital kabilang ang halaga ng gamot, bayad sa doktor, at rehabilitasyon

Inaasahan nilang ilalabas ang advisory sa mga susunod na araw.