AFP at human rights group, lumagda ng kasunduan sa pangangalaga ng karapatang pantao

AFP at human rights group, lumagda ng kasunduan sa pangangalaga ng karapatang pantao

LUMAGDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Sulong Peace Incorporated (SPI) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa adbokasiya kaugnay ng karapatang pantao.

Pinangunahan nina AFP Chief of Staff General Andres Centino at SPI Executive Director Joeven Reyes-Escober ang paglagda na pinangasiwaan ng AFP Center for Law of Armed Conflict (AFPCLOAC) na pinamumunuan ni Brigadier General Joel Alejandro Nacnac sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Sinaksihan ito ni Norwegian Ambassador Bjørn Jahnsen, mga kinatawan ng Spanish Development Cooperation ng Spanish Embassy, Commission on Human Rights (CHR), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid na magtutulungan ang AFP at SPI sa pagsasanay, pagtataguyod ng Human Rights, International Humanitarian Law at Rule of Law at pagpapalitan ng impormasyon tungkol sa mga di-umano’y mga paglabag na nangangailangan ng kaukulang aksyon.

Tiniyak ni Centino na itataguyod nila ang Human Rights at International Humanitarian Law habang tinutupad ang pangangalaga sa seguridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter