IPINAGMALAKI ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang partisipasyon nila sa matagumpay na pagtatapos ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong Huwebes, Hunyo 8 sa General Headquarters, Camp Aguinaldo.
Anila, mainam ang pagkakaroon ng regular na pagsasanay para maging alerto sa mga paparating na sakuna gaya ng lindol.
Ilan sa mga ginawa ng mga miyembro nito ang duck, cover and hold procedure sa iba’t ibang opisina at yunit nito.
Agad na nagtungo sa identified open area ang mga ito para sa accounting sa mga pinsala, mga nasugatan at casualties mula sa nasabing simulation exercise.
Sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of the Civil Defense (OCD), layon niyong paigtingin ang kahandaan ng lahat para sa mga inaasahang kalamidad na tatamaan sa bansa gaya ng The Big One.