AFP, tiniyak ang tulong ng Amerika sakaling makaranas ang bansa ng armed attack—AFP chief

AFP, tiniyak ang tulong ng Amerika sakaling makaranas ang bansa ng armed attack—AFP chief

MISMONG si Armed Forces of the Philippine (AFP) chief of staff General Romeo Brawner, Jr. ang nagkumpirma na nakahanda ang Amerika na tumulong sa Pilipinas sakaling makaranas ang bansa ng armed attack mula sa kanino mang bansa.

Naitanong ito kasunod sa nangyaring water cannon attack ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa pinakahuling rotation and resupply (RoRe) mission nito sa Ayungin at Scarborough Shoal.

Pero paglilinaw ni Brawner, hindi kasama sa ground para mamagitan ang Amerika sa water cannon incident sa mga barko ng Pilipinas nitong nakalipas na araw.

Ani Brawner, hindi ito maaaring maging basehan para paganahin ang mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika kundi sa mga sitwasyon lamang kung saan nagigipit na ang dalawang bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble