Air Power Park ng PMA, dinadagsa ng mga  turista

Air Power Park ng PMA, dinadagsa ng mga turista

DINARAYO ngayon ang bagong atraksyon ng Philippine Military Academy (PMA), ang Air Power Park sa Baguio City.

Hindi lang masisilayan kundi malalapitan at mahahawakan din ang mga replica ng iba’t ibang air assets ng Philippine Air Force at Philippine Navy sa bansa.

Ngayong unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit na COVID-19, kasabay ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, isa lamang ang Philippine Military Academy Air Power Park ang tumutulong ngayon na maibalik ang sigla ng turismo sa Baguio City.

Naniniwala ang pamunuan ng PMA na hindi lang sa atraksyon mahuhumaling ang mga turista kundi maging sa kaalaman rin na mapupulot ng mga ito mula sa  mga impormasyong nakapaloob sa bawat replica.

Para sa mga interesado, kailangan ninyong makipag-ugnayan sa kanilang website na bisita.pma.edu.ph upang agad na malaman ang mga kinakailangang gawin bago makapasok sa lugar.

Batid ng PMA na nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 kung kaya’t hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ng lahat lalo na sa kapakanan ng mga kadete na nasa loob ng akademiya, kaya naman nasa 300 indibidwal lang ang pinapayagan na makapasok kada araw.

BASAHIN: Baguio City Mayor Magalong, hindi kakampihan ang mga komunista, pabor sa NTF-ELCAC

Follow SMNI News on Twitter