AKKK Partylist, binisita ang Laguna para ipakilala ang adbokasiya ng grupo

AKKK Partylist, binisita ang Laguna para ipakilala ang adbokasiya ng grupo

Personal na binisita ngayong araw ni Ang Kabuhayan Kayang-Kaya Partylist (AKKK) First Nominee Mufaida Alonto Macatoman, at 2nd Nominee Mirriam Luna ang Pansol, Calamba, Laguna para ipakilala ang adbokasiya ng grupo.

Kinausap ng grupo ang ibat-ibang lider ng mga maliliit na mamumuhunan sa ibat-ibang lugar sa Calamba.

Sentro ng AKKK Partylist ang magbigay ng sapat na trabaho at maunlad na negosyo lalo na sa Micro Small and Medium Enterprises.

Tiniyak rin ng grupo ang pagbalangkas ng mga batas na magbibigay proteksiyon sa mga kabuhayan ng mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter