Alegasyong tinorture ang mga bumaliktad na suspek sa Degamo murder, dapat may ebidensiya—Atty. Roque

Alegasyong tinorture ang mga bumaliktad na suspek sa Degamo murder, dapat may ebidensiya—Atty. Roque

KAILANGANG may ebidensiyang maipakikita na tinorture sila.

Ito ang panghihikayat ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa apat na bumaliktad na suspek ng Degamo murder.

Sinasabi ng apat na itinuro nilang mastermind sa kanilang unang salaysay si Cong. Arnie Teves dahil pinilit sila ng Philippine National Police.

Matatandaang mariing itinanggi ito ng mga kapulisan.

Hirit pa ni Roque, bakit nanumpa ang apat na suspek sa kanilang unang salaysay na hindi naman pala totoo ang kanilang mga testimonya.

Ayon sa butihing abogado, isa rin itong uri ng krimen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter