PASOK na para sa WTA main draw spot sa Japan Women’s Open ang Pinay tennis player na si Alex Eala.
Ito’y matapos matalo ni Eala si Sohyun Park ng South Korea sa tatlong set nitong Linggo sa Osaka, Japan.
Sa unang set, natalo si Eala ni Park sa iskor na 406.
Pero nakabawi si Eala sa second set, nag-tie sa 5-5 ang iskor sa third set at naipanalo ang final set sa iskor na 7-5.
Ang tagumpay ni Eala ay nag tuluy-tuloy matapos nitong talunin si Fernanda Contreras Gomez ng Mexico sa unang qualifying round na may score na 6-3 at 6-4.
Nakatakda namang makaharap ni Eala si Himeno Sakatsume ng Japan sa unang round ng Japan Open sa Martes, Setyembre 12.