PASOK sa semifinals ng W25 ITF Tournament sa Palma de Rio, Spain ang mag-tandem na sina Filipina tennis player Alex Eala at Marina Bassols Ribera.
Sa naganap na quarterfinals, kahapon, Philippine Time, natalo nina Eala at Ribera sina Ashley Lahey at Marta Huqi Gonzalez Encinas sa iskor na 6-1 at 6-3.
Makakalaban naman ni Eala at Ribera ngayong araw si Valeria Savinykh at Fanny Stollar para sa semifinals.
Maglalaro din si Eala sa singles tournament kung saan si Jessika Ponchet ang makakalaban nito.