Anak ni Anson Que itinuturong nag-utos sa pagdukot at pagpatay sa ama

Anak ni Anson Que itinuturong nag-utos sa pagdukot at pagpatay sa ama

IPINAG-utos umano mismo ng anak ng Chinese businessman na si Anson Que ang pagdukot at pagpatay nito ayon sa isang suspek ng kaso.

Sa katunayan, ang anak na kinilalang si Alvin ay isa sa anim na pangalang inirekomenda ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group para sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) noong Abril 19, 2025.

Sa inisyal na imbestigasyon, si Alvin ang nakipag-negotiate sa mga kidnapper habang hawak nila ang kaniyang ama.

Siya rin ang nagbayad ng paunang P10M sa isang cryptocurrency account noong Marso 31 at dagdag na P3M sa parehong account noong Abril 2.

Ilang araw lang ang lumipas o noong Abril 9 ay natagpuang patay na ang ama nitong si Anson at ang kaniyang driver.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble