Andi Eigenmann, parang may kulang sa buhay pag mawalay sa anak

Andi Eigenmann, parang may kulang sa buhay pag mawalay sa anak

INAMIN ng aktres na si Andi Eigenmann na nami-miss nya ang panganay na anak na si Ellie.

Si Ellie ay nasa Metro Manila subalit si Andi ay nasa Siargao.

Sa isang social media post ng aktres, ibinahagi niya na ito na aniya ang realidad ng pagiging ina kung saan nagmimistulang may kulang sa buhay kung wala sa tabi ang mga anak.

Aniya, malaki man ang responsibilidad nya na turuan ang mga anak na maging independent sa hinaharap subalit malaki rin pala ang kanyang magiging hamon sa pagdating ng naturang araw.

Gayunman, ani Andi na andyan ang mga ina para alagaan ang isang anak hangga’t sa araw na matutuklasan na ng mga ito ang kanilang gusto sa buhay.

Hindi rin aniya maiwasang darating ang panahong lilisan na sila.

Sa kasalukuyan, tatlo na ang anak ni Andi kung saan si Ellie ay supling nila ni Jake Ejercito habang ang dalawa ay sa kanila ng surfer na boyfriend nitong  si Philmar Alipayo.

 

 

SMNI NEWS