BEST player para sa Rain or Shine Elasto Painters si Andrei Caracut matapos nag-ambag ito ng 15 points at 3 assists.
18 points naman ang idinagdag ni Deon Thompson para sa Elasto Painters; 17 points ang kay Leonard Santillan; 11 points mula kay Caelan Tiongson habang 10 points mula kay Adrian Nocum.
Dahil dito, sa kabila ng dikit na laban ay nagwagi ang Rain or Shine kontra Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa iskor na 102-100.
Samantala, panalo ang Brgy. Ginebra San Miguel kontra Terrafirma Dyip sa iskor na 114-98.
Si Justin Brownlee ang nanguna para sa Gin Kings sa iskor na 49 points, 12 rebounds at 6 assists.
Si RJ Abarrientos ay may dagdag na 18 points; at Troy Rosario na may ambag na 17 points.