Angkor Archaelogical Park, maaari nang bisitahin ng nabakunahang turista sa ika-4 na kwarter ng 2021

SA ika-huling kwarter ngayong taon ay magiging bukas na sa nabakunahang turista ang Angkor Archeological Park.

Inihayag ng gobyerno ng Cambodia na maaaring bumisita ang mga nabakunahang turista sa Angkor Archaelogical Park sa Siem Reap sa ika-4 na kwarter ng 2021.

Ang anunsyo na ito ay mula kay Thong Khon na Ministro ng Turismo at sinabing nagbigay na rin siya ng proposal para sa nasabing konsiderasyon kay Prime Minister Hun Sen.

Sa ika-4 na kwarter ng 2021, ang takot sa COVID-19 ay maaari nang mawala kasabay ng pagpapabilis ng pagbabakuna ng bansa.

Inihayag rin ng Ministro na pinag-aaralan nito ang pagkakaloob ng tour packages sa mga nabakunahang turista.

Ang tour packages na ito ay magpopokus sa pagtatatag ng tiwala mula sa mga turista na inaasahang mag-aangat sa bumgsak na ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Khon, ang muling pagbubukas ng turismo para sa nabakunahan na mga turista ay ginagabayan ng Royal Government tourism road map 2021-2025 na naaprubahan kamakailan.

(BASAHIN: Prime Minister ng Cambodia, hinikayat ang lahat ng opisyal ng gobyerno na magpabakuna kontra COVID-19)

SMNI NEWS