Ani ng palay sa unang quarter ng 2024, bumaba ng 100-K metric tons—DA

Ani ng palay sa unang quarter ng 2024, bumaba ng 100-K metric tons—DA

BUMABA ng 100-K metric tons ang ani ng palay sa unang quarter ng 2024.

Hindi naman dapat ikabahala ayon sa Department of Agriculture dahil halos isang porsyento lang ang pagbaba na ito sa 20.4m metric tons na target harvest nila ngayong taon.

Kung titingnan, nasa 20.6m metric tons lang din ang kabuuang ani noong nakaraang taon.

Ang kakulangan dagdag pa ng ahensya ay maaari lang ding mapunan sa pamamagitan ng importasyon.

Sinabi pa ni DA Asec. Arnel de Mesa, manananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa sa gitna ng nararanasang El Niño.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter