TARGET ng Apple at ang kanilang suppliers na makagawa ng mahigit 50 milyong iPhones sa India bawat taon sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Ayon sa Wall Street Journal, pagkatapos ng nabanggit na time frame ay dodoblehin pa ng Apple ang kanilang target na gagawing iPhone units.
Samantala, inanunsiyo na ng Apple noong Setyembre na lilipat o gagamit na ng universal charger ang nakatakdang ilalabas na iPhone lineup sa susunod na taon.
Sa inisyal na ulat, lilipat na sa universal USB-C port ang magiging iPhone 15 mula sa kanilang kakaibang lightning connectors para sa cellphone charging at data transfers.
Ang iPhone 15 model na ito ay bilang pagsunod na rin sa European Union Law na nag-rerequire sa paggamit ng USB-C bilang single charger standard sa mga bagong smartphones, tablets at cameras sa 2024.
Kaugnay rito, unang ilalabas sa Europa ang nabanggit na iPhone 15.