Approval at trust rating ni VP Sara pinakamataas kumpara kina Marcos Jr, Romualdez, Escudero

Approval at trust rating ni VP Sara pinakamataas kumpara kina Marcos Jr, Romualdez, Escudero

PATULOY na sumadsad ang approval at trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa pinakahuling Ulat ng Bayan Survey ng Pulse Asia, nasa 25% ang approval rating ni Marcos Jr. habang 53% o mayorya sa mga Pilipino ay hindi nagugustuhan ang kaniyang performance.

Karamihan din sa mga Pilipino ay walang tiwala kay Marcos Jr. Makikita sa nasabing survey na 54% ng taumbayan ang may ganitong sentimiyento.

Maging ang pinsan ni Marcos Jr. na si House Speaker Martin Romualdez, bagsak din ang ratings. Nakakuha ng 54% na disapproval rating si Romualdez habang nasa 14% lang ang kaniyang approval rating.

57% o mayorya naman ng mga Pilipino ay walang tiwala kay Romualdez.

Bahagyang mas mataas naman ang approval at trust rating ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kumpara kina Marcos Jr. at Romualdez. Si Escudero ay may approval rating na 39%. Habang nasa 38% naman ang kaniyang trust rating.

Kasabay naman ng patuloy na pagbulusok ng gradong ibinigay ng publiko kay Marcos Jr. ay mas lalo pang lumakas ang suporta ng taumbayan para kay Vice President Sara Duterte.

Batay sa Ulat ng Bayan survey, mayorya sa mga Pilipino ay nagustuhan ang performance ng pangalawang pangulo kung saan nakakuha siya ng 59% na approval rating.

Sa lahat ng mga matataas na government official sa bansa, si VP Sara din ang nakakuha ng pinakamataas na trust rating. Lagpas 60% ang trust rating ng bise—mas mataas kumpara sa 25% ni Marcos Jr. at 14% ni Romualdez.

Ayon sa Pulse Asia, isinagawa ang survey noong Marso 23–29 kung saan 2,400 Filipino adults ang nakilahok.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble