Argentina, naghahanda na para sa welcome home party ng World Cup winners nito

Argentina, naghahanda na para sa welcome home party ng World Cup winners nito

SABIK na inabangan ng mga Argentines upang salubungin ang World Cup heroes nito matapos na talunin ng Argentina ang France sa finals ng World Cup sa Qatar.

Naghahanda ang South American capital para sa malawakan at malakihang street party kasama ang bagong world champions.

Nag-kampeon ang Argentina sa final na nagtapos sa iskor na 4-2 on penalties matapos ang kahindik-hindik na 3-3 draw sa 120 minutong mainit na laro.

Inaasahang mainit na tatanggapin ang team sa isang white-hot reception kapag nag-landing ang mga ito sa Ezeiza Airport Buenos Aires ngayong Martes ng hapon.

Follow SMNI NEWS in Twitter