ITINATAYO ng US Virgin Islands sa kanilang baybayin ang kanilang kauna-unahang artificial reef bilang panangga laban sa mga bagyo.
Ang hakbang ay kasunod sa patuloy na umiinit na temperatura ng karagatan na siyang nagiging sanhi ng malalakas na bagyong nabubuo sa Atlantic Ocean.
Inaasahang makukumpleto ito ngayong Hulyo ayon sa Department of Planning and Natural Resources ng isla.
Katuwang ng nangangasiwa ng isla sa pagtatayo at pagbuo ng disenyo ng coral reefs ang Woods Hole Oceanographic Institution sa Massachusetts at ilang opisyal ng University of the Virgin Islands.