SINIGURADO ng mga eksperto ang publiko na nananatili pa rin ang AstraZeneca doses na COVID-19 vaccine na supply ng bansa, kahit na ilang linggo na lamang ito bago ma-expire.
Ito ang tiniyak nina Health Undersecretary Myrna Cabotaje at vaccine Trialist Dr. Lulu Bravo ng UP College of Medicine sa kalagitnaan ng nagpapatuloy na pagbabakuna ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccine na galing sa Global Aid Facility na COVAX.
Ayon kay Cabotaje na ang pagmamadaling paturok sa mga Astrazeneca doses ay hindi dahil sa malapit na ang expiration date nito kundi dahil sa nais ng pamahalaan na mabakunahan ang pinakamaraming bilang ng tao sa lalong madaling panahon.
Dagdag ni Cabotaje, ang lahat ng mga AztraZenaca na mae-expire sa Hunyo a-trenta ay gagamitin sa Hunyo a-kinse habang ang mga mae-expire naman sa Hulyo a-trenta uno ay maipapamahagi sa Hulyo a-kinse.