Atty. Roque, palag sa desisyon ni Judge Malagar hinggil sa CPP-NPA; Pilipinas, maaaring mahahabol si Joma Sison

Atty. Roque, palag sa desisyon ni Judge Malagar hinggil sa CPP-NPA; Pilipinas, maaaring mahahabol si Joma Sison

HINDI sang-ayon si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa naging desisyon ni Manila Judge Marlo Malagar kaugnay sa hindi pagdeklara nitong terorista sa CPP-NPA.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Roque na ang lahat na gumagamit ng dahas ay dapat maideklarang terorista.

Hindi rin sang-ayon si Roque sa sinasabi ni Malagar na karaniwang krimen lang ang nagawa ng CPP-NPA dahil may nangyayaring labanan tuwing may nalabag sila sa batas.

Sa kabilang banda, naibahagi ni Roque na mahahabol ng Pilipinas si Joma Sison kahit nasa Netherlands ito sa kasalukuyan.

Ang mahalaga lang aniya ay makakalap ng sapat na ebidensya laban sa founder ng CPP-NPA-NDF at ibigay ito sa International Criminal Court (ICC).

Kung hindi man gagalaw ang ICC ayon kay Roque, mapaghahalataang hindi ito patas dahil makuha anilang habulin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa umano’y drug war campaign subalit hindi mahahabol ang isang teroristang nasa kanilang bakuran.

Follow SMNI NEWS in Twitter