Australian millionaire, kabilang sa nasawi sa plane crash sa Queensland

Australian millionaire, kabilang sa nasawi sa plane crash sa Queensland

ISANG Australian millionaire at kanyang anak ang kabilang sa tatlong kataong nasawi sa isang plane crash sa Bushland sa Western Brisbane.

Kabilang sa biktima ang 49 taong gulang bilyonaryong si Tom Strachan at ang kanyang 20 taong gulang na anak na si Noah at ang pilotong si Gary Liehm.

Ayon sa mga awtoridad, naka-encounter ang Cessna Aircraft ng masamang panahon at bumagsak 2,000 feet mula sa ere bago tuluyang lumagpak sa Western Brisbane.

Ang eroplano ay nakatakdang umalis sa Dalby 10:00 am at nakatakdang mag landing sa Archerfield Airport ng 2:00 pm.

Nagsimula naman ng aerial search ang mga awtoridad matapos mabigong dumating sa nakatakdang oras ng pagdating ang eroplano.

Si Strachan ay isang Australian millionaire na nagtayo at nagbenta ng labor firm na AWX at ngayon ay direktor na ng investment company na Packhorse.

Samantala, ang 20 taong gulang na anak nitong si Noah ay isa namang analyst sa isang real estate at investment company sa Brisbane bago nasawi.

Follow SMNI NEWS in Twitter