ISINUSULONG ang ayuda sa mga tsuper ng Department of Transportation (DOTR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, itinutulak ng DOTr at LTFRB ang mga programa na magbibigay tulong, suporta, at ayuda sa mga driver at operator, na hindi nangangailangang magpatupad ng taas pamasahe.
Imbes na direktang pagtataas ng pamasahe na makaka-apekto sa higit na nakararaming pasahero, isinusulong ng DOTr at LTFRB ang pagbibigay ng ayuda sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya.
Samantala, inihayag din ng DOTr na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila at ng LTFRB sa Department of Energy (DOE) upang magkaroon ng uniform discount ang mga pampublikong sasakyan, partikular na ang mga jeepneys, sa lahat ng mga gas stations sa buong bansa.