ILULUNSAD ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Central Public Utility Vehicle Monitoring System (CPUVMS) ngayong araw ng Setyembre 17, 2021.
Sa pamamagitan ng sistemang ito ay maaaring masubaybayan ng ahensya ang pagbiyahe ng mga Public Utility Vehicles sa bansa sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS).
Layon ng Central Public Utility Vehicle Monitoring System ang monitoring, dispatching, accountability, at safety ng mga PUV.
Maaaring makita sa Command Center LTFRB Central Office ang uri, dami, estimated time of arrival, at maging violations gaya ng over speeding at pagiging kolorum ng isang PUV.
Bagama’t opisyal pa lamang na ilulunsad ang CPUVMS, kasalukuyang ginagamit na ito sa Phase 1 ng Service Contracting Program kung saan binabantayan ng naturang sistema ang takbo ng mga Public Utility Bus (PUB) na bumibyahe sa rutang EDSA Carousel.
Oras na maging fully operational ang CPUVMS, ipatutupad ang Phase 2 para sa City Public Utility Bus (PUB), Phase 3 naman para sa Provincial PUBs at Phase 4 para sa mga pampublikong sasakyan sa mga Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO).
Ang paglulunsad ng Central Public Utility Vehicle Monitoring System ay alinsunod sa Deparment Order ng Department of Transportation (DOTr) 2017-11 o Omnibus Franchising Guidelines alinsunod sa Public Utility Modernization Program.
BASAHIN: Mga ruta ng libreng sakay sa Metro Manila, nadagdagan pa