Backyard farming sa bawat barangay, tututukan ng DILG

Backyard farming sa bawat barangay, tututukan ng DILG

TUTUTUKAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon ng backyard farming sa bawat barangay sa bansa.

Ito ang sinabi ni DILG Usec. for Barangay Affairs Chito Valmocina.

Aniya, ang ‘Project Kalinisan’ ay magsusulong ng pagiging self-reliant ng bawat komunidad kung saan hinihikayat nito ang bawat barangay na maglinis at magtanim ng mga punong kahoy na namumunga at mga gulay.

Maaari din aniyang magkaroon ng mga backyard fishpond.

Binigyang-diin ni Valmocina na pinatutukan ngayon ng kalihim ng DILG sa kaniya ang naturang proyekto kung saan para magtagumpay ay kailangan ang pagsasagawa ng mahigpit na pagmo-monitor at pagsubaybay sa mga punong barangay.

Sa ngayon aniya, mula sa mahigit 40-K barangay sa bansa ay nasa 25-K na dito ang may sariling community gardens.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble