Bagong halal na opisyal ng Brgy. Libis, nakibahagi sa Dalaw Turo ng MEO–East

Bagong halal na opisyal ng Brgy. Libis, nakibahagi sa Dalaw Turo ng MEO–East

AKTIBONG dinaluhan ng mga bagong halal na opisyal ng Barangay Libis, kasama ng mga miyembro ng TUPAD at ilan pang mga tauhan ng barangay ang isinagawang Dalaw Turo ng Metropolitan Environmental Office (MEO) – East noong ika-6 ng Abril sa Brgy. Libis.

Tampok sa talakayan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ang State of Manila Bay bilang paalala sa mga opisyal, kawani, at residente ng barangay patungkol sa wastong pamamahala ng mga basura sa buong komunidad.

Dahil din sa Dalaw Turo, nagkaroon ng dagdag na kaalaman at ideya ang barangay kung paano mapapakinabangan ang mga nabubulok na basurang kanilang iniipon sa pamamagitan ng composting at paggawa ng mga pataba sa lupa.

Pinabatid ni Kagawad Nilda Dagat na malaking tulong ang nasabing learning activity upang mapaalalahanan ang lahat sa barangay ang mga mahahalagang impormasyon pagdating sa batas.

Kaugnay nito, una sa kanilang babaguhin ang pagpapaigting pa ng pagpapatupad na iskedyul ng pagtatapon ng mga basura sa lugar, lalo’t higit ang wastong paghihiwa-hiwalay nito.

Ang MEO-East ay aktibong nakikipag-ugnayan sa mga lungsod ng Quezon, Marikina, at Pasig para sa pagsasagawa ng mga aktibidad at programa pagdating sa pangangalaga at pagprotekta ng kapaligiran.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble