Bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea, pumalo sa higit 29,000

Bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea, pumalo sa higit 29,000

UMABOT sa higit 29,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa South Korea.

Sa pagpupulong sa Central Disaster and Safety Countermeasures Headquarters, inanunsyo ni Prime Minister Han Duck-Soo na simula sa susunod na linggo, mandatoryo na ang pagsusuot ng face masks sa mga mamamayan sa bansa.

Matapos umabot sa 29,108 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 mula sa datos ng Korea Disease Control and Prevention Agency.

Dagadag pa ng ahesya nasa 399 na mga pasyente ang nananatiling kritikal hanggang sa ngayon habang nasa 68 ang bilang ng mga nasawi.

Sa kabuuan nasa higit 24 milyon na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter