Baguio City, lampas sa 500 ang bagong kaso ng COVID-19

Baguio City, lampas sa 500 ang bagong kaso ng COVID-19

NAGTALA ng pinakamataas na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Baguio City sa bilang na 529 kahapon, Enero 13.

Base sa pinakahuling COVID-19 bulletin ng Department of Health-Cordillera Administrative Region (CAR), nilampasan nito ang pinakamataas na bagong kaso sa loob ng 24 oras noong Setyembre 19, 2021 na may 411.

Kasalukuyan ay mayroong 2,067 aktibong kaso ang lungsod at nagtala rin ito ng mataas na bagong kaso ng 374 noong Miyerkules.

Nilampasan din ng naturang pigura ang hula ni Mayor Benjamin Magalong na aabot sa 500 ang pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa syudad na pinaniniwalaang dulot ng Omicron variant.

Hanggang Enero 13, may 3,387 aktibong kaso ng COVID-19 ang CAR na may 931 bagong kaso nito.

Follow SMNI News on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.