Baguio Mayor Benjamin Magalong, nagpositibo sa COVID-19

INANUNSYO ni Baguio Mayor Benjie Magalong, contact tracing czar, na nagpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Aniya, lumabas ang resulta kahapon ng hapon Abril 2, matapos isinagawa ang kanyang RT-PCT test sa umaga sa parehong araw.

“It is a sad note that I would like to inform everyone…I was tested positive of the Covid-19 virus,”ayon sa pahayag ng contact tracing czar.

Madiing pinaalalahanan ni Magalong ang publiko na panatilihing sumunod sa minimum health standards.

Dagdag ni Magalong, isang hamon ang balitang ito sa kanyang buong pamilya at hindi dapat na ipagwalang-bahala ang pandemya.

Mahirap aniya ang kondisyon ng pagkakaroon ng COVID-19 sa emotional, psychological, at financial kaya ayaw niya itong mangyari kanino man.

Tiniyak naman ni Magalong na patuloy na nakamonitor ito sa sitwasyon sa lungsod at makipag-ugnayan sa otoridad sa mga bagay na kailangang gawin.

(BASAHIN: Baguio, ipinagbawal ang mga turista mula NCR at karatig probinsiya nito)

SMNI NEWS