Bagyong Querubin at amihan, patuloy na apektado ang Visayas at Mindanao

Bagyong Querubin at amihan, patuloy na apektado ang Visayas at Mindanao

PATULOY na makakaapekto sa lagay ng panahon ang amihan at ang shearline at mararamdaman ito sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Partikular na makararanas ng malakas na mga pag-ulan ang mga lugar tulad ng Quezon, Polillo Islands, Bicol, Eastern Visayas, Agusan del Norte at Del Sur at iba pang bahagi ng Davao Region.

Mas matindi pang mga pag-ulan naman ang mararanasan sa Dinagat Islands, Surigao Del Norte at Del Sur, at Davao Oriental.

Maliban pa sa shearline at amihan, ganap na ring naging bagyo ang minomonitor na low pressure area ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Mindanao.

Sa 5 AM bulletin ng PAGASA, taglay ng Bagyong Querubin ang hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso naman na aabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito north northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Nakataas na ang Wind Signal No. 1 sa Davao Oriental.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter