HANDA si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na i-freeze ang bank accounts ng mga nakilahok sa kilos protestang isinagawa ng mga Canadian citizen laban sa COVID-19 mandate ng pamahalaan.
Ayon kay Trudeau, ang nasabing hakbang ay mas mainam at hindi na kailangan pa ng militar upang ipatupad ito.
Dagdag pa ng prime minister, hindi na kailangan pang maglabas ng court order ang pamahalaan upang i-freeze ang bank accounts ng kahit na sinumang dadalo sa naturang protesta.
Samantala, sa ibang balita, posibleng maganap ang pananakop ng Russia sa Ukrain anumang oras matapos ang pagpapakalat ng higit isangdaang libong militar ng Russia sa borders nito.
Ito ang naging babala ni white house principal Deputy Press secretary Karine Jean-Pierre sa isang media briefing.
Matatandaang kamaikalan lang ay hinimok ni US President Joe Biden ang lahat ng mga amerikanong nasa Ukraine ngayon na lisanin na ang bansa matapos ang tumitinding sigalot sa pagitan ng mga borders nito.