BARMM, ‘mas payapa’ at ‘mas may tiyak na seguridad’ ngayon

BARMM, ‘mas payapa’ at ‘mas may tiyak na seguridad’ ngayon

MAS payapa at mas tiyak ang seguridad ngayon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay BARMM Spokesperson and Cabinet Secretary Mohammad Asnin, patunay rito ang pagiging attractive na ng kanilang rehiyon para sa investors.

Noong 2023, nasa P3.4B ang halaga ng nakuha nilang investments.

Katumbas ito ng nasa 1.9K na job opportunities.

Ngayong taon ay nasa P4B na rin ang nakuha nilang investments.

Sa ngayon, isa sa target ng BARMM ang pagkakaroon ng mapayapang eleksiyon sa kanilang rehiyon sa 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble