Baybayin ng Panay, President Roxas at Pilar, ligtas na sa red tide—BFAR

Baybayin ng Panay, President Roxas at Pilar, ligtas na sa red tide—BFAR

INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na inalis na nila ang Red Tide Alert sa coastal waters ng Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz.

Ibig sabihin, maaari nang makabili at kumain ng iba’t ibang uri ng shellfish galing sa nasabing karagatan.

Pero, hindi pa rin inaalis ng BFAR ang Red Tide Alert sa iba pang baybayin sa bansa dahil sa red tide toxin.

Kabilang dito ang Milagros sa Masbate, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, San Pedro Bay sa Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Pinapayuhan ng BFAR ang publiko na mag-ingat at huwag munang kumain ng anumang uri ng shellfish na galing sa 5 baybayin.

Pinapahintulutan naman ng ahensya ang pagkain ng isda, pusit, hipon, at alimangong nagmula sa nasabing karagatan basta matiyak na ito ay nahugasan at naluto nang mabuti.

 

Follow SMNI News on Twitter