BBM-Sara supporters sa Ontario, nagtipon-tipon para sa isang grand rally

BBM-Sara supporters sa Ontario, nagtipon-tipon para sa isang grand rally

NAGTIPON-TIPON ang mga BBM-Sara supporters sa Ontario, Canada para sa isang grand rally.

Isa lamang ang hiling ng mga tao sa Canada at iyon ay ang continuity ng mga programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa mga OFW, si Bongbong Marcos at Sara Duterte lamang ang nakikita nilang magpapatuloy ng lahat ng nasimulan ng administrasyong Duterte.

‘’Oh yeah nakita ko sa kanya eh sinsero at saka may malasakit sa taong bayan at alam ko na gagawin niya lahat para guminhawa ang mga tao sa Pilipinas at tsaka siya lang ang most qualified na maging presidente, yung mga iba wala akong bilib,’’ ayon kay Romie Rabena, Presidente ng Samahang Ilocano – Toronto, Canada.

“Sana dahil maganda ang ginawa ni Apo Presidente Duterte dapat ipagpatuloy lang ang Build, Build para tutulong sa mga tao,’’ saad ni Rabena.

‘’Ang nakikita ko po sa kanya ay yung pagiging sincere niya sa ating bansa. Because actually mayaman na sila no, they have everything na sa kanila na. Yung ano niya is to serve the people kasi nakikita niya talaga ever since yung father niya. Sa father niya palang nakikita niya how they help na ma-improve yung bansa natin. So, I think that’s the another one na nakikita niya kaya gusto kong suportahan dahil kung ano yung nakikita niyang support ng mga magulang niya sa Pilipinas at sa mga Pilipino, ganun din ang gagawin niya. He has a strong leadership although tahimik siya hindi siya nakiki-ano sa gulo, but in terms of decision he can make his own decision without other kung sino man ang magsabi sa kanya na ganito ganyan, and that is very important bilang isang leader ng isang bansa kailangan sariling desisyon, hindi yung kani-kanino ka makikinig. You should have your own decision,’’ ayon kay Ofelia Denora Presidente, ng Partido Federal ng Pilipinas OFW Canada.

‘’In my own personal opinion, bakit ko sinuportahan si BBM dahil nakita ko sa kanya meron siyang malasakit sa Pilipino katulad kay Duterte. So, naniniwala ako na si BBM na ipagpatuloy niya ang gawain ni Duterte, yung infrastructure at tsaka para magkaisa tayong lahat na makalimutan na ang lahat ng mga fake news na galing sa mga dilawan kaya continues to BBM that’s why I support BBM, I’m from Bisaya pero sinuportahan ko si BBM dahil siya lang ang nakita kong presidente na susunod kay Duterte na maayos ang Pilipinas. Ang sunod na presidente kung siguro si Sara din after BBM,’’ ayon kay Julian Amolong.

‘’Sigurado ako diyan 101% Sara-BBM, sila ang susunod na leader ng Pilipinas na para uunlad tayo ulit, sigurado ako,’’ dagdag nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter