NGAYONG araw, Setyembre 9 nakatakdang ilunsad ng aktres na si Bela Padilla ang kaniyang sariling beauty brand na “Bela”.
Pero bago nito ay pumunta na kamakailan si Bela sa Bacolod para magsagawa ng isang exclusive sneak peak ng kaniyang beauty line.
Bago naman ang official launching ay nauna na ring sinabi ng aktres na magiging available ang kaniyang products sa online platforms gaya ng Lazada, Shopee at TikTok.
Sa kabilang banda, ang huling pelikula ni Bela ay ang “Yung Libro sa Napanood Ko” noong 2023.
Siya mismo ang bida dito maliban sa pagiging director at writer din ng naturang pelikula.