Bella Padilla, nais sumabak sa ibang genre ng pelikula sa 2024

Bella Padilla, nais sumabak sa ibang genre ng pelikula sa 2024

SINABI ng aktres at direktor na si Bella Padilla na lalayo muna ito sa mga love stories film sa susunod na taon at sinabing lilipat muna siya sa ibang genre ng pelikula gaya ng action.

Ayon kay Padilla, 17 taong gulang pa lamang siya ay marunong na siyang mag-Muay Thai kung kaya’t maaari niyang subukan ang pagsabak sa action films.

Higit pa dito aniya ay nais niya ring subukan ang mga introspective films gaya ng sikat at critically-acclaimed na K-drama revenge series ngayon na ‘The Glory’ na pinagbibidahan ni Song Hye-Kyo.

Si Bella Padilla ay higit na nakilala sa mga romance-dramas nito gaya ng “100 na Tula para kay Stella” “The Day After Valentine’s”, “Meet Me in St. Gallen”, at “On Vodka, Beers, and Regrets.”

Sa ngayon ay abala si Bella sa pinakahuli nitong proyektong “Yung Libro sa Napanood Ko” kung saan siya mismo ang gumaganap na direktor, writer at actor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter