Bentahan ng party drugs, mahigpit na babantayan ng pulisya

Bentahan ng party drugs, mahigpit na babantayan ng pulisya

TUTUTUKAN ng Philippine National Police (PNP) ang pagkalat ng party drugs sa mga bar o summer destination sa bansa.

Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Redrico bilang bahagi ng kanilang Oplan Summer Vacation.

Ayon kay Maranan, kadalasan na tumataas ang bentahan ng party drugs tuwing bakasyon kung saan kabataan ang madalas na mabiktima.

Kasabay nito, palalakasin ng pulisya ang kanilang intelligence gathering upang mapigilan ang pagkalat ng party drugs.

Una nang ipinag-utos ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang pinaigting na kampanya kontra iligal na droga upang tuluyang matuldukan ang pagkalat nito sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter