TINIYAK ng Bureau of Customs (BOC) na patuloy ang imbestigasyon sa pagkumpiska sa stocks ng mga asukal sa mga warehouses at pantalan.
Sinabi ni BOC spokesperson Arnold dela Torre, 4 na insidente mula sa magkakasunod na pagbisita sa mga bodega ang kasalukuyang dumadaan pa sa imbestigasyon at ito ay nagkakahalaga ng kabuuang P289-M.
Mula aniya sa 4 na insidente ay 2 ang nasabat nila mula sa mga warehouses at 2 naman ay mula sa pantalan.
Layunin aniya ng imbestigasyon na matukoy kung dokumentado ba o iligal ang naturang mga asukal at kapag natukoy na iligal ang mga iniimbestigahang stocks ng mga asukal ay agad na magsasampa ng kaso ang Customs sa Department of Justice.