Bicol Region, nagtala ng mas mataas na bilang ng nakarekober sa COVID-19

Bicol Region, nagtala ng mas mataas na bilang ng nakarekober sa COVID-19

NAKAPAGTALA ng mas mataas na bilang ng mga nakarekober sa sakit na COVID-19 ang Bicol Region kahapon ika-15 ng Hunyo resulta ng mahigpit na restriksyong ipinatutupad sa buong lalawigan.

Base sa ulat ng Department of Health (DOH-Bicol), umabot sa 154 ang mga bagong gumaling sa sakit na COVID-19 sa buong rehiyon kung saan pinakamarami ang naitala sa Camarines Sur na may 79 na gumaling.

Sinundan ito ng Camarines Norte na 49,16 sa Sorsogon at 10 sa Catanduanes kung kaya’t umabot na sa 9,561 ang total recoveries sa sakit sa buong Bicol Region.

Sa kabilang dako, mataas din ang bilang ng mga binawian ng buhay na umabot sa 10. Ang 5 rito ay mula sa Camarines Sur, 4 sa Naga City at 1 sa Sorsogon. Kung kaya’t nasa 488 na ang death toll ng COVID-19 sa Bicol.

Samantala, 121 ang bilang ng mga bagong kasong naitala kung saan 69 ay mula sa probinsya ng Albay, 39 mula sa Camarines Sur, 7 sa Sorsogon, 5 sa Masbate at 1 sa Camarines Norte.

Nagpapatuloy ang paalala ng DOH-Bicol sa mga Bikolano na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa serbisyong Salud Bikolano.

(BASAHIN: 93 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa Bicol Region)

SMNI NEWS