MALAKIHANG taas-presyo ang nakaambang ipatupad ng mga kompanya ng langis para sa kanilang produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtataya, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na posibleng tataas ang kada litro ng diesel mula P3.20 hanggang P3.40.
Habang ang kada litro ng gasoline ay mula P1.70 hanggang P1.90.
Malaki rin ang posibleng itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene na naglalaro mula P2.90 hanggang P3.20.
Nakatakda namang ianunsiyo ng mga kompanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw ng Lunes.