Big-time price rollback sa produkto ng petrolyo epektibo ngayong araw

Big-time price rollback sa produkto ng petrolyo epektibo ngayong araw

MAGKAKAROON ng big-time oil price rollback ang mga kompanya ng langis ngayong araw, Abril 15, 2025.

Sa abiso ng Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, matatapyasan ng P3.60 ang kada litro ng kanilang gasolina.

P2.90 naman ang bawas sa diesel at P3.30 sa kada litro ng kerosene.
May kaparehong bawas-presyo sa gasolina at diesel ang Cleanfuel at iba pang kompanya ng langis.

Epektibo ang naturang oil price rollback alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-otso uno ng umaga.
Ang pagbaba ng presyo ng produkto ng petrolyo ngayong linggo ay ang ika-limang beses ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble