NADAGDAGAN pa ng 1,011 ang kaso ng BA.5 Omicron subvariant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Deparment of Health (DOH), 1,008 dito ay local cases ay nadetect sa lahat ng rehiyon maliban sa BARRM at 3 returning overseas Filipinos.
Ayon sa DOH, 690 sa mga tinamaan ng naturang subvariant ay fully vaccinated na laban sa COVID-19, tatlo ang partially vaccinated, habang beneperipika pa ang vaccination status ng natitirang 306 na indibidwal.
904 indibidwal naman ang tagged as recovered na, 53 ang sumasailalim pa sa isolation, 2 ang nasawi habang kinukumpirma pa ang outcome ng natitirang 49 na kaso.
Sa ngayon ay beneperipika pa ang exposure, travel histories at health status ng mga nagpositibo sa subvariant.