NASA 9.5 milyon ang naitalang mga naninigarilyo sa Pilipinas mula taong 2021 hanggang 2023 ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI).
Mula sa naturang bilang ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, 6.4 milyon ang gumagamit ng tradisyonal na sigarilyo habang 1.5 milyon ang gumagamit ng electronic cigarettes.
Kung iisipin aniya, nanalo na sana ang Pilipinas hinggil sa isyu dahil noong taong 2015, nasa 18 percent nalang ito.
Noong taong 2021 ay mas bumaba pa at nasa 14 percent na lang.
Sa mga nabanggit na taon din ay mataas ang excise tax collection ngunit ngayon, mistulang bumabalik na naman sa dati aniya ang smoking prevalence sa bansa.
Isa naman sa nakikitang rason ng senador sa muling pagtaas ng smoking prevalence sa bansa ay ang kawalan ng sapat na tax mula sa ibinebentang e-cigarettes.
Matatandaan na bagamat nakatutulong para tumaas ang kita ng bansa, ang sin tax talaga aniya ay isang health measure upang maiwasan ang mataas na smoking addiction sa Pilipinas.
&;