Bilang ng nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro, 54; 63 patuloy pang pinaghahanap

Bilang ng nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro, 54; 63 patuloy pang pinaghahanap

UMAKYAT na sa 54 ang naitalang nasawi sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro noong nakaraang linggo.

Patuloy naman ang isinagawang search, rescue and retrieval operations ng pinagsanib na puwersa ng mga rescuer at residente sa lugar para sa 63 pang nawawala.

Nasa 32 naman ang sugatan sa insidente.

Nangyari ang landslide matapos na matabunan ng lupa ang dalawang bus na lulan ang mga minero, empleyado ng APEX Mining sa bahagi ng Brgy. Masara.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter