Bilyun-bilyong dolyar, kakailanganin para sa 18-M katao sa Myanmar na naghihirap—UN

Bilyun-bilyong dolyar, kakailanganin para sa 18-M katao sa Myanmar na naghihirap—UN

POSIBLENG aabutin pa ng ilang bilyong dolyar ang kakailanganin upang matugunan ang pangangailangan ng nasa 18-M katao sa Myanmar na kasalukuyang naghihirap ayon sa United Nations Office for the Coordination of Human Affairs.

Sa inisyal na tantsa, nasa $994-M na ang kakailanganin para lamang sa lima punto tatlong milyon katao na kinilala bilang prayoridad ng tulong.

Ayon sa UN, bunga ang paghihirap ng mga ito sa naganap na kudeta sa bansa halos tatlong taon na.

Karamihan pa sa mga apektado ayon sa UN ay mga kabataan na katumbas sa anim na libo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble