BIR, nakakolekta ng halos P3-B sa unpaid taxes mula sa mga erring establishments noong 2021

BIR, nakakolekta ng halos P3-B sa unpaid taxes mula sa mga erring establishments noong 2021

PUMALO sa halos P3 bilyon ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa back taxes o unpaid tax obligations ng mga erring establishments noong 2021.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Finance (DOF) na 523 na kumpanyang lumabag sa iba’t ibang tax code ang ipinasara sa ilalim ng Oplan Kandado Program ng BIR.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, nasa 120,220 establisimyento sa buong bansa ang nainspeksyon ng taxman at nakakolekta ng karagdagang P122.4 milyon na multa para sa registration-related violations.

Sa ilalim ng kanilang Run After Tax Evaders (RATE) program, sinabi ng DOF na nagsampa ang BIR ng 137 kaso sa Department of Justice (DOJ) na kinasasangkutan ng aggregate tax liabilities na P4.4 bilyon at 17 kaso sa Court of Tax Appeals na may kabuuang tinatayang liabilities na P1.4 bilyon noong 2021.

Nakakolekta rin ang BIR ng kabuuang P3.91 bilyon sa taxes mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) hanggang noong Disyembre 2021.

BASAHIN: Pimentel, nais na paimbestigahan ang kapalpakan ng BIR sa hindi pagkolekta sa estate tax ng Pamilya Marcos

Follow SMNI News on Twitter