UMARANGKADA na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) sa linyang San Pablo City patungong Calamba, Laguna simula ngayong araw Pebrero 9.
Ito ay matapos ang masusing rehabilitasyon at pagpapatibay ng mga tulay sa Biñan at Tarapichi.
Samantala, muling ibinalik ang biyaheng Tutuban-Calamba na siyang nagsisilbing daan sa mga pasahero mula Laguna na makabiyahe papunta at pabalik ng Maynila.
Siniguro ni PNR General Manager Jeremy Regino na kukumpunihin at mas patitibayin pa ang mga tulay na dinaraanan ng tren na nagkokonekta sa mga probinsya.
Ito ay upang mapanumbalik ang mga nasabing biyaheng San Pablo-Calamba at Calamba-Tutuban ng PNR.
Inatasan din ni GM Regino ang mga kawani na gawing regular ang maintenance para masiguro ang tibay ng mga tulay sa panahong may kalamidad.