Blood tests na may HIV-contaminated needles, hindi totoo—DOH

Blood tests na may HIV-contaminated needles, hindi totoo—DOH

PINABULAANAN ng Department of Health (DOH) ang hinggil sa isang social media post na nagsasabing kontaminado ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang ginagamit na mga karayom para sa pagsasagawa ng blood sugar tests.

Ayon sa DOH, walang katotohanan ang naturang impormasyon at sinabi pa ng Philippine National Police (PNP), ginagamit lang itong panakot sa publiko.

Sa tinutukoy na post, umiikot sa mga kabahayan ang ilang indibidwal na umano’y miyembro ng isang ‘faculty of medicine’.

Nag-aalok anila ito ng blood sugar tests at gumagamit ng mga karayom na kontaminado ng HIV na nagiging sanhi para magkaroon ng Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) ang isang tao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble