PINAGBABAKLAS ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang mga election material ng mga politiko na ilegal na nakakabit sa mga hindi awtorisadong lugar, ngayong umaga ng Martes.
Unang sinuyod ng DPOS ang Brgy. Bago Bantay, alinsunod sa City Ordinance No. SP-2021 S-2010, na nagbabawal sa pagkakabit ng mga election material sa mga poste ng Meralco, street signs, traffic lights, signal posts, tulay, at overpass.