Bomb maker ng CTG, sumuko sa Nueva Ecija

Bomb maker ng CTG, sumuko sa Nueva Ecija

SUMUKO ang bomb maker ng Larangan Gerilya sa Patag 1 (LGP 1) sa tropa ng gobyerno sa San Jose City, Nueva Ecija.

Kinilala ni Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto, commanding officer ng 84th Infantry (Victorious) Battalion ang sumuko na si Ka Wing, 34 taong gulang.

Isinuko rin nito ang 2 IED, 20 metrong detonating cord, 125ml na phosphorus black powder at 2 anti-tank.

Ibinunyag ni Ka Wing na nag-operate sa Nueva Ecija sa loob ng 5 taon, na isa sa kanyang dahilan kaya sumuko ay ang panloloko at pangakong di natupad ng kanilang grupo.

Nanawagan naman ang militar sa natitirang miyembro ng communist terrorist na talikuran na ang kanilang grupo at gamitin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) upang mamuhay nang mapayapa kasama ang kanilang mga pamilya.

Follow SMNI NEWS in Twitter