INUMPISAHAN ng Milwaukee Bucks ang kampanya nito sa bagong season ng NBA sa panalo matapos nitong talunin ang Philadelphia 76ers sa mainit at malapit nitong laban na nagtapos sa iskor na 90-88.
Pinangunahan ni NBA most valuable player Giannis Antetokounmpo ang panalo ng Bucks na nagpamalas ng double-double performance na may 21 points at 18 rebounds.
Nabigyan ng lamang ang Bucks sa iskor na 89-88 sa natitirang 23.8 seconds ng laro nang tumira ng 3 pts. si Wesley Matthews.
Sa natitirang apat na segundo ng laro, sinubukan pang pumuntos ni James Harden para sa 76ers ngunit nabigo ito at tinapos na ito ni Brook Lopez para sa Bucks sa pamamagitan ng free throw at intentional miss.
Umiskor ng 17 points si Lopez at nag-ambag naman ang forward na si Grayson Allen ng 12 points para sa Milwaukee.